INSIDE ME

MGA PANGYAYARENG UMIIKOT SA AKING ISIPAN HABANG AKO'Y WALANG MAGAWA HEHE

Saturday, May 26, 2007

misadventures

May 26, 2007
Saturday

haaaiii matagal tagal narin pala ako hindi nakakapag post ng something dito sa blog ko, hehe kaya kung me mabasa man kayo sa dito na mga dati kong post e wala na yan lipas na po yan! i forgot all about it and i've already moved on beh!

hehe so aun halos 1 term din pala ako tumigil sa pagppost dito kasi sobrang busy ako sa school, as in sobra kasi ba naman halos patayin ko sarili ko sa pagaaral ng Partcor at Salesba araw araw plus Accom2b pa e kaya shempre nawala na yung time ko for other stuffs, so kaya heto ngaun ngaun nalang ulit kasi wala pa naman mashado work load ngaun kasi kasisimula pa lang ng term hehehe

haha haiii eto nanaman bagong term nanaman, yey 3rd year nako! hahaha shempre kapag bagong term bagong books, kaya ngaung araw na to e maraming oras ang aking ginugol para maghanap ng mga libro para sa Finama1 at Taxinco, so kahapon napagplanuhan ko nga na maghahanap ako ng libro sa Recto ngaung araw hehe kaya eto dumating ang araw na to e ng-insist ako sa ermats ko na wag nalang ako sumama sa pupuntahan namin dapat today kasi nga kelangan ko talaga makahanap ng book kasi sobrang importante nga hehe kaya kaninang 2:00 pm nagsimula ang aking misadventures

misadventures? bakit naman kamo? haha kasi ganito yan, hmmm dadalawang libro na nga lang ang hinanap ko e kung san san pako napadpad, kaya 1st stop, ang kahabaan ng Recto Ave, sikat ang Recto para sa mga ganitong bagay kasi nasa university belt sha, so shempre matagal ko ng alam un kaya aun ang naisipan kong puntahan muna, hehe e aun National Bookstore, wala ung hinahanap ko, Rex Bookstore wala rin, e ung mga pipichuging bookstore, leche wala parin, so edi nagpatuloy ako sa aking paglalakad (nakapambahay lang ako para hindi takaw pansin sa mga holdaper hehe) ee aun sa sobrang wala ako mahanapan e nilakad ko kahit saan ako dalin ng paa ko, kaya aun inabot ko ung tapat ng FEU hanggang makarating ako sa EspaƱa, wow ang layo na no hehe ee nakalimutan ko na kung ano ung dinaanan ko ng una kaya sinundan ko sa paglakad ung mga jeep para makabalik ako sa me Recto kaya aun bute nakabalik ako hehe

2nd stop ko e Quiapo naman, wooo tapang ko no nakapambahay lang kasi e hahaha pumunta pako ng Isetan para lang maghanap ng national bookstore dun pero nabigo lang din ako, hmm kaya naisipan ko na pumunta nalang sa tinatawag nilang lugar na Avenida (Rizal Ave), aun ung dinadaanan ng lrt sa baba hahah edi shempre hanap hanap ako, punta ako Meriam Webster, wala rin pocha naman, edi nilakad ko ung kalsada na un hanggang makarating ako sa me Carriedo, ung station ng lrt, ee bago pala muna dun e nakakita ulit ako ng national bookstore pero nabigo ulit ako kasi wala talaga, bwisit sobra, ee kaya nung nandoon nako sa Carriedo, ee natanaw ko ung Quiapo church, kaya naisipan ko na pumunta muna dun, haha nilakad ung daanan na makikita sa me lrt station papuntang Quiapo church and aun sa wakas, it was my first time to see the church and it was so big, ang daming tao, and shempre i asked narin for guidance and help kasi almost 1 1/2 hours nako naglalakad e hindi ko pa nakikita ung hinahanap ko hehe so aun after ilang minutes e umalis narin ako, hehe

next stop, hmmm Sta. Cruz?? haha bakit ako napadpad dun?? ewan ko?? naghahanap ako ng libro?? o me gusto ako makita?? hahah ewan ko basta napadpad nalang ako bigla dun, hehe and aun nakita ko narin lang ang Sta. Cruz church kaya pumasok narin ako sa loob, and aun ang ganda nia rin pala, and 1st time ko sha makita, and shempre i said a little prayer narin kasi church naman un, so aun after church e sige lakad nanaman ako, hehe at dito nagsisimula ang nakakatawang part, amf naligaw ako dun! oo naligaw ako hahaha! kasi nung naglalakad ako dun e parang gusto ko iexplore ung lugar, hehe shempre tanong ko sa isip ko hmmm "san kaya papunta dito ung China town?", "at bakit ko naman hahanapin China town?", "me national bookstore din kaya dito?", "saan kaya nakatira dito si Louise hehe kasi sa Carriedo sha nanggagaling?", "oh shet san nga pala ako unang dumaan?", "hindi to ung dinaanan ko kanina ha", hahahah ayan ayan ang mga salitang nasasabi ko sa sarili ko habang nglalakad sa me Sta. Cruz, haha e bute nalang nahanap ko rin ang tamang way at aun nakabalik sa Avenida

haaiii naisip ko lang, sayang naman ang Avenida kung sisirain ni Mayor Lim kasi sha na mayor ng Manila ngaun diba?? hehe wala lang edi aun give up na sana ako sa paghahanap kasi 4:00 pm na wala parin ako nahahanap, shempre pagod nako, jabar nako kasi nakapambahay lang ako e, walang dalang orasan, inaantok at gutom, haha edi aun sabi ko sa sarili ko e last na etong pupuntahan kong bookstore sa araw na ito, kaya pumunta nako sa Meriam Webster at bumili na ng libro sa Finama1, pero ung sa Taxinco, wala olats nde ko mahanap, at kulang narin ako sa pera e kaya uuwe nalang ako, ee kaya habang naglalakad nako pabalik Recto na e me nakita akong lumang bookstore, feeling ko kanina nadaanan ko na sha pero hindi ako nagtanong sa loob, at eto ang nakakatawa dun, halos dun ako nagsimula, pero hindi man lang ako nagtanong kung meron ba sila nung libro na hinahanap ko, hahaha at aun nagtanong ako at meron nga! wooo leche kang libro ka dito lang pala kita mahahanap!! hahah e wala nako pera kaya bumalik pako sa bahay para kumuha ng pera kasi ayaw ko na bumalik bukas!! kaya aun balik bahay at bili libro sa tax.. hai bute hindi umulan kaninang hapon hehehe

eto lang ang mga bagay na napansin ko habang akoy naglalakbay kanina:

1. bwisit na mga bookstore yan supot wala yung hinahanap ko (without thanks to National Bookstore and Rex Bookstore)

2. mas effective parin talaga maghanap sa Recto, lalo na sa mga nagbebenta ng libro na luma

3. masarap lumabas ng nakapambahay, walang papansin sayo hahaha

4. nakakapagod maglakad

5. ang ganda ng Quiapo Church at Sta. Cruz Church

6. san kaya nakatira c Louise?? at matagal ko narin sha hindi nakikita (miss ko na sha huhu hahaha)

7. ang gulo pala sa me Avenida ang daming tao at amoy pagkain

8. masikip ang mga eskenita sa Quiapo

9. nakakatakot maglakad sa me Sta. Cruz, puro sasakyan lang at wala mashadong tao, at puro Chinese drugstore ang nakikita ko hahaha

10. bakit habang naglalakad ako kanina hindi mawala sa isip ko yung kakalase ko dati sa accounting na nakita ko lang ulit kahapon? na-cute-an siguro ako hehe (si Jenelyn from cbe)

11. kapag may tiyaga, me nilaga (2 hrs of hardcore lakaran)

haaii thank you Lord for this day, napaka saya ng araw na ito kahit umulan ngaung gabi