INSIDE ME

MGA PANGYAYARENG UMIIKOT SA AKING ISIPAN HABANG AKO'Y WALANG MAGAWA HEHE

Monday, October 02, 2006

a hell day

Oct. 2, 2006

omaygee, parang me mali ata ngaung araw na to e, parang lahat ata mali, parang nagising ata ako sa maling side ng kama e, ewan ko ba kung bakit, sinimulan ko naman ng tama ang araw ko, pero wala e

dumating ako ng sobrang aga sa school, 6:20 am plang, sabay hindi naman pla ddating ung prof namin sa busorga, kaya aun sayang naman ang pagod ko

sabay sa accom2a ko, nde ko talaga matanggap na bagsak ako sa test! ouch ang sakit ng score ko, out of 30 e 14.5 lang ang nakuha ko, demmit, grabe nashock ako sa nakuha ko, sobrang prepared naman ako for the test, pero nde ko alam kung what went wrong? bakit ganun ang panget naman ata, hanggang ngaun nde ko parin matanggap na sobrang bagsakan ako sa test tsk

sabay nung sa filipi2, parang wala lang dapat nde nako pumasok, nakakatamad

sabay basketball sa complex, demmit ang hina ko na sobra! 6 times ako tinirahan sa 3 pts, and 6 times din akong napanis, shet parang feeling ko sa sarili ko basura nako kasi binabastos bastos nalang ako ngaun, iba tlga ang epekto ng sakit e, sobrang mahina na tlga ako, kaya aasa nako ngaun sa compro league :c

aun masakit ang katawan, gutom, masama ang tama sa chan (hyper acidity), sabay cnabayan pa ng muscle pains, omaygee what a day, tapos nun kumain nalang ako, para after nun mgaaral nako para sa test sa oblicon, then aun kain, nakita ko c Cel, pero nde ko parin mkausap kasi nde ko kaya shang kausapin na kasama nia mga friends nia un lang

edi natapos ako kumain, aun nakapag aral na, pero dumating c Leo kaya npa daldal nnman ako, e nde pako mkaconcentrate kasi dinadaldal nia ako tungkol ke Cel, edi wala na concentration ko, sinabayan pa ng pagdating ni Edgar, edi lalong walang wala na, pinagtritripan pa nila ako kapang dumadaan c Louise pate c Cel, amf!! nka strike 7 din ako nun, grabe, ayaw tlga ako pansinin nung c Louise, pero teka teka, ang ganda ganda na ng start ko ng term na sabe ko kakalimutan ko na sha pero eto nanaman ako..whats up with me, kelangan ko mgstick sa mga sinabe ko, kasi aun nakita ko nnaman na kasama nia ung guy na un, and aun feel ko aun n nga tama n nga ang hinala ko, edi wala na rin

tapos aun umalis na sina Edgar pte Leo, nakpag basa at nkapag aral narin ako sa wakas! edi aun wala narin si Cel edi wala narin akong dahilan para magstay pa sa goks, kaya lipat nakong LS, e when i was on my way to LS, another unexpected event happened, omaygee, sa dami dami ba naman pwedeng makasalubong, bakit sila pa??? nananaja ba talaga ang tadhana?? bakit ganun?? its Louise with the guy and ung c Karol and c Riva, oh yeah, ngheads up nlng ako kasi binati nila ako, pero nde ko na sila gaanong pinansin, kasi aun shmpre marka ng hinagpis galing sa nakaraan, at aun, konteng jealousy narin..o well ang daya talaga..sabe na e sana hindi nako dumaan dun!

tsk, sabay aun pagdating ko sa class, demmit nde rin naman pala ngquiz sa oblicon, ngparecitation nanaman sha, edi wala rin ngyare sa aral ko, errr edi natapos ang class, bwisit akala ko pa naman ligtas nako at masaya na ang araw ko kasi makakauwe nako, sabay aun pgbaba ko sa lrt, demmit ang ulan!! ang lakas!! basa ako from head to toe, as in me tubig sa loob ng sapatos ko, edi papasok nanman akong nka chinelas bukas kasi basa ang sapatos ko, no choice e, sabay dadating ka ng bahay, walang kuryente, whats up with that?? bute nlng mga 8:30 e nagkaron na..

haaaii sobra talaga tong araw na to, bute nalang champion UST at natalo ang mga bastardong atenista na yan, mga iyakin players nio!! hahahah

haii grabe ang hirap ngaun araw na to..pero naalala ko lang, me pinabasa samin ung prof nmen sa filipi2, parang the line says that "cry and grieve, but remember that God is with you in the rain, offering you an umbrella" so naicp ko nalang, kahit na sobrang nagdusa ako ngaun araw nato, e andito parin c God s tabe ko kaya wala ako dapat ipagalala.. haiii gusto ko na mgpahinga..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home